Provide top-notch talent wherever and whenever needed
Discover Cornerstone

YENG CONSTANTINO, BIBIDA SA ISANG PELIKULA

September 25, 2019

Muling bibida sa isang pelikula ngayong taon ang Pop Rock Superstar na si Yeng Constantino. Ito ang Write About Love na under ng TBA Studios. Makakasama niya sa pelikulang ito sina Miles Ocampo, Rocco Nacino at Joem Bascon.

Ito ang unang pelikula na ididirek ni Crisanto B. Aquino at co-writer din siya sa proyektong ito. Ang Write About Love ay produced ng Tuko Film Productions, Buchi Boy Entertainment at Artikulo Uno Productions.