Provide top-notch talent wherever and whenever needed
Discover Cornerstone

WATCH | Full trailer ng Stay-in Love, ipinasilip

November 16, 2020

Noong nakaraang Linggo ay inilabas na ang official poster at teaser ng pinakabagong teleserye ng TV 5 na STAY-IN LOVE. Pinuno ng magagandang komento at pinag-usapan ang kakaibang kwentong handog ng nasabing serye. Marami din ang naexcite na mapanuod ang newest loveteam na for sure na magdadala ng kilig sa inyo tuwing Martes ng gabi.


Kahapon, November 15, ipinasilip na ang official full trailer ng Stay-In Love. Marami ang natawa sa mga karakter sa serye na dapat talagang abangan. Hinangaan din ang husay sa pag-arte ng Stay-In Love cast na pinagbibidahan nina Maris Racal, Kokoy de Santos, Marc David, Pooh, Bobby Andrews at Ms. Ruffa Gutierrez.


Makakasama rin nila dito sina Elsa Droga, Charm Aranton, Welwel Silvestre, Denise Joaquin, Ashley Colet, James Bello at marami pang iba. 

Hirit pa ng mga netizens, ibang klaseng story na for sure marami ang makakarelate lalo na ang mga minamahal nating mga kasambahay. Ika nga, ang teleserye na ito ay MAID just for you. Humanda ng kiligin at mainlababo sa Stay-In Love directed by Rod Marmol. Produced by TV 5 and Cignal. Line Produced by CS Studios. 


Ngayong November 24 na, Martes, 9:30 PM sa TV 5.