Provide top-notch talent wherever and whenever needed
Discover Cornerstone

The Final Choice: Ang Pagtatapos ng Kwento ni Del, Risa at Louie sa I Got You, tinutukan

January 10, 2021

Talagang binigay ng 'I Got You' ang closure na deserve nating lahat sa kanilang finale episode ngayong linggo, January 10. Isang rollercoaster ng emosyon ang hinatid nila na linggo-linggo na naging Sunday habit na ng mga netizen.

Kapit na kapit ang mga viewers sa mga kaabang-abang at patindi nang patinding mga kaganapan sa mga karakter na si Del na ginampanan ni Beauty Gonzales, si Risa na pinagbidahan ni Jane Oineza at si Louie, na binigyang buhay ni RK Bagatsing. Linggo-lingong pinaguusapan at trending ang bawat episode dahil sadyang relatable ang mga eksena na nagyayari din naman sa tunay na buhay.


"Nasa sa atin ang choice kung pipiliin nating mag-stay, mag-let go o maging masaya." sabi ni Del sa huling episode ng ' I got You'

Bumuhos ang suporta ng netizens sa Twitter gamit ang hashtag #IGYTheFinalChoice. Umani rin ng papuri ang creative team ng I Got You sa direksyon ni Dan Villegas at patunbay ni Anotinette Jadaone. Taos pusong pasasalamat ang pinapahtid ng lahat ng bumubuo ng I Got You para sa lahat ng sumuporta at nagmahal sa palabas.


"Love hurts, pero we got you." mensahe ng 'I Got You' family para sa lahat ng nagmamahal at nasasaktan.

Ang 'I Got You' ay hatid sainyo ng CS Studios, Brightlight Production, Project 8 Projects at TV5.