Provide top-notch talent wherever and whenever needed
Discover Cornerstone

Tapatan nina Beauty at Jane sa I Got You, pinalakpakan

November 10, 2020

Tumaas ang tensyon sa ika-apat na episode ng I Got You noong Linggo, November 8. Matapos kasing malaman ni Risa na ginagampanan ni Jane Oineza ang totoong kwento sa pagitan nina Louie (RK Bagatsing) at Del (Beauty Gonzalez), sinugod niya si Del sa kanyang opisina.


Isang mala-eksena sa pelikula ang napanuod ng mga taga-subaybay ng nasabing programa. Ilang maaanghang na mga linya ang binitawan ni Risa. Hindi rin naman nagpaawat si Del. Dito nakumpirma ni Risa na may nararamdaman pa nga si Del sa kanyang fiance na si Louie.

Tuloy-tuloy namang napapalapit na si Louie sa kanyang anak na si Iyah. Pero banta ni Risa, na dapat makilala rin siya nito at tawaging Mommy.

Tila roller coaster ang mga nangyari noong Linggo sa I Got You, dagdag din na pinag-usapan pa ito online gamit ang hashtag na #IGYAhasan. 

Sa susunod na linggo, mas maiinit na eksena pa ang dapat abangan. Mapapanuod ang I Got You sa TV 5 alas-2 ng hapon pagkatapos ng Sunday Noontime Live.