Provide top-notch talent wherever and whenever needed
Discover Cornerstone

NEW LOOK NI GIL CUERVA, PINAG-USAPAN

September 28, 2019

Nakilala sa kanyang model physique, charming face at signature long hair pero ngayon goodbye muna sa kanyang long hair.

Halos limang taong inalagaan ni Gil Cuerva ang kanyang long hair na parang naging tatak na din niya sa showbiz. Mula ng ipakilalang si Mateo sa My Love From The Star hanggang sa maging ka-taste buddy ni Solenn Heusaff at ngayon ay gabi-gabi nating napapanuod bilang Agent Vin Ocampo sa hit teleserye na Beautiful Justice.



Heto na ngayon, ang pagpapaiksi ng buhok ni Gil may kinalaman daw sa kanyang karakter sa Beautiful Justice.

“Ayaw ko muna i-spoil pero malalaman din ng Kapuso viewers kung bakit nagpagupit si Agent Vin Ocampo", paliwanag ni Gil. Ibang love story din ang masasaksihan sa kanila ng kanyang bagong ka-partner na si Gabbi Garcia.



"My head feels lighter, I like it and I hope the viewers will like it too” dagdag pa ni Gil.