Talk of the town at patuloy na gumagawa ng ingay sa online world ang pinakabagong teleserye ng TV 5 na I Got You. Pinagbibidahan ito nina Beauty Gonzalez, RK Bagatsing at Jane Oineza.
Nasa likod ng malaking proyektong ito ang mga award-winning directors at writers na sina Dan Villegas, Tonet Jadaone at Rod Marmol. Love hurts pero I Got You ang mensahe ng teleseryeng ito. Si Del na ginagampanan ni Beauty Gonzalez ay isang therapist habang si Jane Oineza naman ay si Risa na isang kilalang vlogger. Torn between the past and the present si Louie na ginagampanan naman ni RK Bagatsing.
Sa unang dalawang episode pa lang ay kinapitan na agad ng netizens ang kakaibang kilig na dala ng serye. Ilang mabibigat na eksena ang agad na napanuod ng mga viewers nito kasabay ang ilang rebelasyon na nagpainit ng inyong afternoon. Nagkita na kasi sa wakas ang dating magkarelasyon na sina Del at Louie.
Ang mga karakter naman nina Chantal Vidal at Kych Minemoto na sina Iyah at DIx ang bagong tambalan na inyong kakikiligan.
Pinasilip sa trailer para sa November 1 episode nito ang mga kaabang-abang na eksena na hindi niyo dapat palampasin. Makukumpirma na ni Risa ang kanyang pagdududa? Paano niya kaya tatanggapin ang katotohanan sa naging relasyon ni Del at Louie? Mapapanuod ang I Got You sa TV 5, alas dos ng hapon pagkatapos ng Sunday Noontime Live.