Provide top-notch talent wherever and whenever needed
Discover Cornerstone

“How You Like That” ni Maja Salvador, mas inilevel-up

October 28, 2020

QUEZON CITY - Muli na namang pinatunayan ni Maja Salvador na siya ang nag-iisang Dance Royalty matapos niyang ihataw sa Sunday Noontime Live ang Blackpink hit na “How You Like That” noong Linggo, October 25.

 

Hindi nagpapigil si Maja na bigyan ng kakaibang twist ang kanyang mga level up na dance moves sa sikat na kantang ito ng nasabing K-Pop group. Kinumpleto pa niya ito sa kanyang K-pop look at outfit na ibinagay sa set ng SNL. Kahit anong genre pa nga daw ang ibato, walang sinusukuan si Maja pagdating sa sayawan.

At matapos pang irepost ng Brightlight ang nasabing production number, dinagsa ng mga positibong komento ang naging performance niya at hiniling pa na baka pwede sila magcollab ng nasabing K-pop group.


Kabilang si Maja sa mga regular host ng nasabing programa kasama sina Piolo Pascual, Catriona Gray, Donny Pangilinan at Jake Ejercito. Hindi lang sa pagkanta bumibida dito si Maja dahil pati sa singing at hosting, all-out ang galing niya. Kaya sa mga susunod pang mga episodes, abangan ang mga pangmalakasang performances mula sa nag-iisang Dance Royalty.

Mapapanuod ang Sunday NoonTime Live o SNL tuwing Linggo alas dose ng tanghali sa TV 5.