Provide top-notch talent wherever and whenever needed
Discover Cornerstone

HANGGANG DITO NA LANG NI JAYA NA OST NG "I HAVE A LOVER" , PATOK!

November 12, 2019

Mainit ang naging pagtanggap ng mga manunuod sa pinaka-bagong Korean drama series na I Have a Lover na masusubaybayan every Monday to Friday at 11:30 sa ABS-CBN.

Maraming nakaka-relate at nasasaktan sa story ng I Have a Lover dahil tungkol na rin ito sa lost love, memory and heartbreak nina Marvin (Ji Jin-Hee) at Aira (Kim Hyun-goo) . Naging turning point sa relationship nila ang pagkawala nang kanilang anak. Eventually, nagkaroon ng affair si Marvin sa kaniyang estudyante na si Sofia (Park Han-byul). Aira being devastated about the betrayal, soon gets involved in a car accident and lost her memory. Dito na nagsimula ang exciting twist ng story. Patuloy na nagiging intense at kaabang- abang ang bawat scene sa Kdrama series dahil na rin sa maiinit na confrontation ng mga characters.



Official soundtrack nito ang ballad recording ni Jaya na "Hanggang Dito Na Lang" na patok din sa music playlist ng marami. Kamakailan lang ay nanalo ito bilang Best Ballad Recording sa Awit Awards 2019. Umabot na 3.5 million combined views sa Youtube ang kantang ito dahil sa catchy and relatable ang lyrics nito, pasok sa taste ng mga Kdrama fans. Kasama ang most recent hit track ni Jaya na "Hanggang Dito Na Lang" sa kaniyang latest album na "Queen of Soul" na available na in all digital platforms. Sabay-sabay nating subaybayan ang latest Kdrama hit na I Have a Lover kasabay ang pagsuporta natin sa one and only Queen of Soul Jaya and her soulful OPM music.