Provide top-notch talent wherever and whenever needed
Discover Cornerstone

Donny, Ricci, Leon at Jake, pinainit ang hapon sa dance prod na "You Got It"

November 04, 2020

Hotness overload! Pinusuan ng bawat netizens ang dance number ng SNL boys nang magperform sila sa Sunday Noontime Live noong Linggo, November 1. Humataw at bigay todo sa pagsayaw ng Tiktok craze na "You Got It" sina Ricci Rivero, Jake Ejercito, Leon Barretto at Donny Pangilinan sa nasabing show. Binansagan silang mga bagong magpapakilig sa inyong Sunday afternoon habit sa TV 5.



Nagtrending din at talagang pinagpyestahan online ang mga hot moves nina Ricci at Donny. Hindi rin naman nagpahuli sina Jake at Leon na itinodo din naman ang paggiling on stage.

Bukod dito, mapapanuod din ang ilan sa mga trending at most liked music pagdating sa sayawan sa segment ng SNL na Youhoo. Makakasama dito sina Maja Salvador, Maris Racal, Ken San Jose at marami pang sikat na dancers ng bansa.



Hindi lang sa online bumibida ang SNL, patuloy na nagbibigay ang Sunday Noontime Live ng mga bago at trending na performance na talagang pasok sa mga millennials at manunuod nito.


Tuwing Linggo, alas 12 hanggang alas-2 ng hapon mapapanuod ang Sunday Noontime Live bago mag-I Got You.