Provide top-notch talent wherever and whenever needed
Discover Cornerstone

Catriona at Piolo, pasabog sa unang prod together sa Sunday Noontime Live

October 28, 2020

QUEZON CITY - Pinag-usapan at nagtrending sa social media ang naging performance nina Miss Universe 2018 Catriona Gray at Ultimate Heartthrob Piolo Pascual matapos nilang kantahin ang “Sana” ng I Belong to the Zoo sa Sunday Noontime Live noong Linggo, Oktubre 25, 2020.


Naaliw ang mga netizens sa naging atake ng dalawa sa hitsong na ito at inulan ng magagandang comments ang kanilang mga Instagram posts. 

Marami ang kinilig sa version na ito at hindi maiwasang hindi mapansin ang kagwapuhan at karisma ni Piolo Pascual. Dinagdagan pa ng kakaibang aura ng nag-iisang reyna na si Catriona, na nakitaan din ng malaking improvement sa pagkanta lalo na ng isang tagalog song. 


Excited na ulit ang mga fans at umaasa na masusundan ang ganitong mga pasabog na performances sa SNL na naglaunch lamang noong October 18. Sa unang dalawang linggo pa lang ng nasabing show, consistent na nasa No. 1 at No. 2 spot sa Philippine trending list sa Twitter at pumapasok pa sa Worldwide trend ito.

Kasama nila sa show sina Maja Salvador, Donny Pangilinan, Jake Ejercito at marami pang ibang sikat at talented na mga artista. Mapapanuod ang Sunday Noontime Live o SNL tuwing Linggo alas dose ng tanghali sa TV 5.