Provide top-notch talent wherever and whenever needed
Discover Cornerstone

BENJ MANALO, NAKATANGGAP NG MALAKING BLESSING? ANO KAYA ITO?

July 11, 2019

Malaking blessing para kay Benj Manalo ang sunud-sunod na nangyari sa kanya nitong nakaraang buwan. Una na dito ang magkaroon na sila ng sarili niyang bahay. Matagal na kasi itong pinapangarap ni Benj kaya naman nang dumating ito, buong puso ang pasasalamat niya.

 

Bukod sa bahay, isa pang blessing ang talaga namang kumumpleto kay Benj. Ito ay matapos maging successful ang kanyang proposal sa long-time girlfriend na si Lovely Abella. Paano niya ba ito pinaghandaan, alamin.

 

Q: Matagal mo na bang plano mag-propose?



A: Yes matagal na, actually second year pa lang namin sa relationship I wanted to do it na pero I was waiting for the right time, God's perfect time.

 

Q: Bakit 'yun ang napili mong set-up?

 

A: It was originally planned sa house warming namin or sa house blessing namin since nakabili na kami ng bahay, tapos pinauwi ko ung dalawang kapatid niya from Canada para ma-witness nila yung proposal, pero ayaw pa niya mag-house warming kaya sakto may music video shoot ako. So,  I did it there instead. And ayun nga, wala siyang alam na siya 'yung highlight noong araw na iyon. 


 

Q: After ng engagement, nag-start na ba kayo magplano for the wedding?

 

A: So far now, mas focus kami muna sa work kasi pareho kami may mga gusto pa gawin sa kanya-kanyang career. Siguro after 1 year or 2 years magpapakasal na kami. But now no pressure muna, enjoy muna namin 'yung new chapter ng life namin. Since bagong bahay, bagong engagement, bagong chapter.

 

Q: Bukod sa engagement, big blessing din ang bago mong single na TNGHT at mga sunod sunod na acting projects? Ano reaksyon mo dito?

 

A: Yes kasi I've been planning this to happen, this kind of feel and setup ng band and everything now is on the right track. Tapos pumasok pa ung bagong TV project sa akin 'yung Kadenang Ginto as sidekick ni Leon na ginagampanan ni Richard Yap. So I'm so happy to be doing music and acting at the same time. I'm having the time of my life.



 

Q: What else can we expect from Benj as a singer/ actor?

 

A: As an actor, I will be giving a new taste of Benj na hindi pa nakikita ng madaming tao sa akin on TV. More movies to come at may mga naka line-up na. Then for the music, we plan to release 3 more singles then push with the EP or full album. Then will do a tour para ipakalat ang good vibes ng music namin.

 



Dahil sa mga magagandang nangyari kay Benj, mas pagbubutihin pa nga daw niya ang kanyang trabaho lalo na at hindi lang niya ito ginagawa para sa sarili kundi para sa kanyang pamilya.