Provide top-notch talent wherever and whenever needed
Discover Cornerstone

As beautiful as her, Catriona Gray pinuri sa kanyang song number

November 02, 2020

Expect the unexpected! Sumabay man ang pagdating ni Bagyong Rolly sa ating bansa, naging mainit pa rin ang pagsuporta ng ating mga kababayan sa Sunday Noontime Live noong Linggo, November 1. Tumatak sa kanila ang performance ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na talagang gumulat sa mga viewers ng nasabing show.

Binigyan ni Catriona ng bagong flavor ang K-drama hitsong na “Beautiful”. Pinag-usapan ang kakaiba niyang version ng themesong na ito ng sikat na Kdrama series na Goblin. Bago pa man ang performance, nagpost na si Catriona sa kanyang IG ng picture niya at pinahulaan kung anong k-drama song ang kanyang kakantahin.

Bukod sa kanyang performance, marami rin talaga ang nakapansin sa ganda at glow ng ating Miss Universe. As a barbie ang look ni Catriona at talagang pinuri online ang maganda niyang mukha. Naging trending topic pa nga ito matapos ang kanyang naging pasabog na number.

Dahil dito, mas naeexcite tuloy ang mga ka-team live na muling mapanuod si Catriona na magperform sa SNL stage. Dumagsa ang mga song requests mula sa kanyang mga fans na todo-suporta pa rin sa lahat ng ginagawa ng ating Miss Universe 2018.

Tuloy-tuloy na nagbibigay ng saya ang Sunday Noontime Live tuwing Linggo, 12 NN sa TV 5.